Sunday, January 13, 2013

Pista ng Nazareno 2013 Q&A




Q: Mahalaga ba ang pista ng Nazareno na nagaganap taon-taon. Ano ang sinasabi nito patungkol sa atin mga Pilipino?


A:  Ang pista ng Nazareno na maari ring tawagin na “Nuestro Padre Jesus Nazareno” sa wikang espanyol, ay isang pistang pang-relihyon, isa itong gawaing katoliko at ginagawa ito taon-taon upang ipakita ang debosyon at pagkakapit sa kanilang pananampalataya. Isa itong maka-espanyol na paniniwala at gawain. Isa itong paglalakad mula Quirino Grandstand pangtungong Iglesia ng Quiapo ang paglalakad na ito ay isang simbolo ng paglalakad ni Hesus. Ang isang statua na kanilang idinadala ay ang statua ni Hesus na galing sa isang Mexican na pare noong panahon pa ng pananakop ng mga Espanyol, nasa itaas ng isang carriage na tinatawag na “andas” sa wikang espanyol. Ang paniwala ng mga sumasali dito ay kapag ito’y hinahawakan ay maari silang gumaling sa kanilang mga kasakitan o mga suliranin sa buhay. Isa itong napakatagal ng ginagawa dahil isa itong salamin ng paniniwala na ang pagagawa ng pista na ito ay ang siyang nagpapaganda ng taon ng mga taong nagdidiwang nito. Madaming kaguluhan na nagyayari sa pistang ito, marami ring nahihimatay habang naglalakad kasama ng statua at nagdudumi ng mga kalasda patungo sa Quiapo.
                Ngayon, anong sinasabi nito sa ating mga Pilipino? Sinasabi nito na kahit sobrang “todo bigay” tayo ating mga paniniwala na gagawin natin ito bawat taon at ipagdidiwang natin ito, isa itong katotohanan na tayo bilang mga Pilipino ay mayroon paring kulturang makaluma at hinahawakan parin natin ang ating makaluma na tradisyon, hindi tayo natuto at humawak sa sarili nating mga paa para sa kinabukasan. Naniniwala parin tayo sa saglit na kasiyahan. Mayroon tayong isipang kolonyal parin, alipin tayo sa sarili nating mga tradisyon. Masasabi nating hindi naman ito tunay na dinidiwang dahil sa ikabubuti ng madami kundi sa ikabubuti ng mga indibiduwal, isa itong napakamakasariling paniniwala na pinasok saatin ng mga Espanyol. Ang iba ginagawa lamang ito upang makanakaw, masabing nakasama lang at binabastos na ang tunay na dahilan sa paglakad ni Hesus patungong kalbaryo upang siya’y mamatay.


Q: Batay sa sagot sa unang bilang, masasabi bang abot kamay ang kaunlaran ng Pilipinas?

A: Hindi pa. Sa katunayan, malabo pa ang kaunlaran ng Pilipinas. Ang Pilipinas ay isang bansa na binigyan ng Diyos ng maraming biyayang likas na yaman at likas na tao, binigyan nga tayo ng Estados Unidos ng Demokrasya at hindi na nakasalalay ang lahat sa pamahalaan, ngunit hindi natin mapatakbo ng maayos ang bansa at ito’y puno ng katiwaliaan. Dagdag pa ang pagiging makaluma natin tulad ng Espanya na silang pabagsak na ngayon at hindi katulad ng panahon ng kanilang gintong panahon ay nagsabi  na sila’y nagfile ng bankrupt o tunay na pabagsak na ang Espanya at tayo ba sasama dito, malaking bahagi nito ay dahil sa kanilang pagiging makaluma. May pagasa pa ba ang Pilipinas? Mayroon nakasalalay ito sa panibagong mga tao, mga tao na silang magpapalit sa mga pinunong puno ng katiwalian ang iniisip lamang ang kanilang mga sarili. Nakasalalay ito sa mga pinuno na hindi pinaglilingkuran ngunit mga pinuno na naglilingkod sa kanilang bayang pinagsilangan.