Wednesday, November 14, 2012


Milan, Nasaan Ka Man                              


            “Ang di marunong tumingin sa kanyang pinanggalingan ay hindi makakarating sa kanyang paroroonan.”
            -Jose Rizal

-
        Si Lino ay isang taong mapalaaway, matapang at lahat ng kanyang kagustuhan ay gusto niyang matupad at maging. Para siyang bata magisip, bilang isang OFW si Lino ay isang OFW na ang kanyang perspektibo sa mga OFW ay mga kawawa at tunay niyang ninais higit sa lahat ay umuwi ng Pilipinas, nagbago lamang ang kanyang isip dahil sa pagtagal na niyang tumira sa Milan at naunawaan niya na hindi na palang pwede umuwi at nangangailangan nilang maghanap buhay. Walang nagawa si Lino kundi maghanap buhay at mabuhay kasama ni Jenny. Maghanapbuhay ng maghanapbuhay at tumira na doon habang nagpapadala ng pera pauwi sa Pilipinas. Mahirap man ang kanyang buhay Si Lino ay masasabing mayabang at makapal ang mukha ngunit ito ay naging susi sa kanyang pagpupursigi at pagtangal sa napakaraming trabaho sa Milan.

            Si Jenny naman ay siyang OFW na sa tagal at sa hirap ng buhay at tinatanggap na lamang ang lahat ng kahirapan at nagpursigi, nagpursigi at nagsipag upang suportahan ang kanyang mga magulang at ang kanyang Pamilya. Si Jenny ay isang simbolo ng mga karanasan ng mga OFW na iwanan ang kanilang mga anak para lamang magtrabaho sa ibang bansa, mga taong nakikita na wala ng pagasa ang Pilipinas at nagtitiis ng buhay sa ibang bansa. Siya ay parang mga tao na tinitiis ang pagkahiwalay sa kanilang pamilya upang makakita at tumulong sa ekonomiya ng Pilipinas sa ibang bansa.

            Ang pelikulang ito ay nagsasalaysay ng kwento ng mga OFW. Pinapakita ang kanilang mga karanasan, ang kanilang kahirapan. Tayo bilang mga Pilipino sa Pilipinas kung akala natin may pagasa sa ibang bansa, isa itong pelikula na siyang sasagot sa ating opinyon. Tunay na napakahirap, napakatindi ng sakit at hirap ng mga OFW. Hindi ito “specialized work” kundi isang simbolo na ang natitirang paraan upang kumita ng pera ay magtrabaho sa ibang bansa, ang ating bansa na puno ng mga katiwalian ng mga pinuno tulad nila S.M. at ng mga Ayala ay hindi na sapat upang iaangat ang ating pambansang ekonomiya. Ang OFW ang siyang mga “pagasa ng bayan” dahil tunay ngang wala ng pagasa o kung ano mang paraan na iaangat ang ating bansa mula rito. Ang mga OFW ay mga nagtitiis, mga nagbibigay ng kanilang buhay upang isuporta ang pambansang ekonomiya ng Pilipinas.

            Ang pinaka mensahe ng pelikula ay mahalaga, at ito ay kapag nandiyan ayaw mong isipin, ngunit pagnawala ito’y palagi mong iisipin. Ang Pilipinas ay siyang ating bansa, ay siyang nagpabuhay sa atin. Ang pagiging OFW ay napakahirap na bagay dahil hindi lamang ang iyong pamilya ay iyong iiwanan ngunit pati rin ang kultura, ang kasarinlan. Ang mga Pilipino ay lutang parin hangang sa ngayon, hangang sa ibang bansa hindi natin kilala ang ating sarili kaya’t kapag dumating ang mga problema, walang maaring balikan ang mga OFW. Ang mga OFW ay parang itinutulak sa dalawang dulo, ang bumalik sa Pilipinas at magtiis sa hirap, o mag trabaho sa labas ng bansa hindi kasama ang pamilya at titiisin ang kahirapan.