Dinerecta ni Mark Meily
Bagamat katawa-tawa ang
napakadaming excena sa pelikulang La Visa Loca na pelikula ni Robin Padillia ay
hindi maaring tingan lamang ito sa isang perspektibo at isang napakababaw na
mukha. Napakadaming maipupulot na mensahe o bagay na maaring iuwi sa bahay ng
mga manonood. Makikita rin natin dito ang napakamahiwagang relasyon ng Estados
Unitos at ang Pilipinas na hindi pala ito isang mapayapa at napaka mabuting
relasyon subalit, ito ay isang relasyon na nagtataglay ng pagiging mapagkumbaba
sa sarili ng mga Pilipino.
Sa
aking opinyon ay isa itong makabuluhang pelikula, ang ultimong mensahe ay ang
pagmamahal sa bansa, napakarami mang patawa at kalokohan na nailathala sa
kwento ay nagsalamin ito sa lipunan natin noong panahon na iyon, isa sa mga
repleksyon na nailathala nito ay ang perspekitbo natin sa mga Amerikano, cano,
matangkad, puti, nakamaayos na suot ay naging basehan natin sa isang mayaman at
mataas na klase ng tao, ito ay isang perspektibo na siyang taglay parin ng
bawat Pilipino maging sa panahon ngayon. Ang isa pang salamin na inalalathala
ng kwento sa atin ay ang nationalismo natin o ang pagiging makabansa, talagang
nakikita natin ang mahinang paghawak natin sa konsepto ng bansa, hindi natin
maintindihan ito bilang isang pagmamahal na siyang tatagal at matigas na
pagmamahal para sa bansa, para sa lahi. Sa bahagi ng nagalit ang Amerikano sa Pilipinas ng sabihin
niyang pumunta siya sa pilipinas upang matapunan ng malas ay agad-agad lahat ng
nasa paligid niya’y tumahimik, naging pundasyon ito sa pagpili ni Jess, na
siyang pangalan ng pangunahing tauhan, na gawin ang lahat kasama na ang pagpako
sa krus, sakripsiyo para sa bansa hindi lamang para sa kabutihan ng kinabukasan
ng isang indibiduwal, kasama pa dito ang kwento ng nanay ni Jess ay nagdulot
ito ng isang linya ng mga ebidensya upang makamit ang mensahe na napakababaw ng
mga kalidad ng pagpili ng mga Pilipino kasama na dito ay ang pagalis sa bansa
upang makahanap ng panibagong buhay at bagong kinabukasan sa ibang bansa. Di
nga ba’y ganito rin ang mga klase ng mga ginagawa ng tao ngayon. Masasama dito
ang phenomenon na “brain drain” ang
paghanap buhay ng mga Pilipino sa ibang bansa, ang mga hamon ng kagawaran ng
turismo at ang mga pagtingin ng mga dayuhan sa kulturang Pilipino na sa
pelikula tingin ng mga dayuhan ay napakababaw at napaka walang asal ng mga
Pilipino tulad ng mga kultura at mga paniniwala nito sa kultura; tulad ng mga faith
healers. Isang magandang punto ng kwento
ay ang pagtago niya ng mensahe sa relasyon ng tatay at ng anak, hindi nga ba’y
ang bansa ay para ring ating ama? Para ring isang ama na lubos nating
kinakalimutan, oo nga madami ngang mga kasala at napakasamang kwento ng ating
bansa ngunit ang bansa natin ay para siyang ama na walang nagmamahal kahit ang
kanyang anak na gusto na pumunta sa ibang ama (sa sitwasyong ito ibang “ama”).
Sa huli hindi na pumunta si Jess sa ibang bansa upang tuluyang isuporta at
samahan ang kanyang ama, nakikita natin na tulad ng ama may sakit rin ang
bansa, nananatiling bingi rin ang ating bansa ngunit dapat ba natin itong
pabayaan? Na ang mga dayuhan ay sabihin na lamang ang bansang ito ay walang
kagandahang asal, mga magnanakaw mga taong tulad ng mga matsing na walang
pinagaralan? Isang bansa puno ng mga hipocrito at mga kasamaan? Isang bansang
bingi sa mundo at bingi sa sarili niyang mga kasala at sakit? Noong panahon ng
Amerikano sa kasaysayan ng Pilipinas ay lubos pang nasira ang pagiging bansa ng
mga Pilipino dahil sa mga pinagagawa ng mga Amerikano sa bansa. Binigyan nila
ng isang gobyerno, ng mga pinuno, ng mga produkto at kalayaan ang Pilipinas
ngunit ito’y nagdulot ng sakit na siyang nagpalala ng pagkilala ng mga Pilipino
sa kanilang sarili at sa kondisyon ng Pilipinas na siyang nag hamon sa mga
Pilipino at nagtanong kung ano nga ba talaga ang Pilipinas, ano ang konsepto ng
bansa ng isang lahi, ng isang Pilipino. Ngayon ay napakrami ng mga Pilipinong
gusto pumunta sa Estados Unitos upang magbago ng kanilang buhay, di nga ba’t
noon at ngayon ay walang pinagkaiba? Na taglay ng mga Pilipino ay wala ng mahal
sa sariling wika, sariling bansa at hindi na niya kilala kung sino ba talaga
siya?
Na ang sinapupunan na kanyang pinagmulan ay kanya ng kinalimutan at ni
walang malay. Oo nga tumaas nga ang ekonomiya, ang GDP, ang mga dami ng mga
nakakapag trabaho ngunit kilala mo ba ang sarili mo? Isa itong pinagagalingan
ng kwento at ng mga paniniwala ng isang tao na dapat hindi mawala sa kanya, ang
kasarinlan. Ultimong ihinahatid ng kwento ang mensahe ng pagkikilala sa sarili
at ang kalagayan ng bansa sa isang indibidwal na Pilipino. Kwento nga ng isang
anak ng hari ay ng mamatay ang kanyang tatay pinadala siya sa isang lugar na
puno ng kasamaan, puno ng mga masasamang tao at ginawa nila’y tinuruan ang anak
ng hari ng kung ano anong mga kasamaan tulad na ng pagsusugal, pagiinom at
paggugusto sa mga babae ay pagkatapos ng matagal na panahon ay sumuko na ang
mga masasamang tao na hindi na iinpluwensya ang bata sa kanyang paligid ng
itanong siya kung paano daw siya hindi na inpluwensya ng lahat ng kasamaan ay
dahil sinabi ng kanyang tatay “ikaw ay magiging isang hari, wag mo ito
ikalimutan.” Isa itong kwento ng kasarinlan, kwento ng pagkikilala sa sarili.
Ilista mo na ang lahat sa tubig wag lang ang iyong sarili, wag lang ang iyong
kasarinlan dahil ito ay isang napakamahal at napakaimportanteng bagay, sa
pelikula dadag pa ang kwento ng bata na hindi na niya kilala ang kanyang tatay
dahil palit ng palit ng asawa ang kanyang nanay isa pa itong dadag sa mensahe
na gusto ipahatid ng pelikula.
Sa
aking palagay, isa itong pelikula na dapat panoodin ng bawat isang Pilipino, isa
itong kwento na may 10/10, ito ay isang kwentong maganda at napakaayos. Dapat panoodin ng mga Pilipino maging sa mga
karaniwang mamamayan.