Wednesday, November 14, 2012


Milan, Nasaan Ka Man                              


            “Ang di marunong tumingin sa kanyang pinanggalingan ay hindi makakarating sa kanyang paroroonan.”
            -Jose Rizal

-
        Si Lino ay isang taong mapalaaway, matapang at lahat ng kanyang kagustuhan ay gusto niyang matupad at maging. Para siyang bata magisip, bilang isang OFW si Lino ay isang OFW na ang kanyang perspektibo sa mga OFW ay mga kawawa at tunay niyang ninais higit sa lahat ay umuwi ng Pilipinas, nagbago lamang ang kanyang isip dahil sa pagtagal na niyang tumira sa Milan at naunawaan niya na hindi na palang pwede umuwi at nangangailangan nilang maghanap buhay. Walang nagawa si Lino kundi maghanap buhay at mabuhay kasama ni Jenny. Maghanapbuhay ng maghanapbuhay at tumira na doon habang nagpapadala ng pera pauwi sa Pilipinas. Mahirap man ang kanyang buhay Si Lino ay masasabing mayabang at makapal ang mukha ngunit ito ay naging susi sa kanyang pagpupursigi at pagtangal sa napakaraming trabaho sa Milan.

            Si Jenny naman ay siyang OFW na sa tagal at sa hirap ng buhay at tinatanggap na lamang ang lahat ng kahirapan at nagpursigi, nagpursigi at nagsipag upang suportahan ang kanyang mga magulang at ang kanyang Pamilya. Si Jenny ay isang simbolo ng mga karanasan ng mga OFW na iwanan ang kanilang mga anak para lamang magtrabaho sa ibang bansa, mga taong nakikita na wala ng pagasa ang Pilipinas at nagtitiis ng buhay sa ibang bansa. Siya ay parang mga tao na tinitiis ang pagkahiwalay sa kanilang pamilya upang makakita at tumulong sa ekonomiya ng Pilipinas sa ibang bansa.

            Ang pelikulang ito ay nagsasalaysay ng kwento ng mga OFW. Pinapakita ang kanilang mga karanasan, ang kanilang kahirapan. Tayo bilang mga Pilipino sa Pilipinas kung akala natin may pagasa sa ibang bansa, isa itong pelikula na siyang sasagot sa ating opinyon. Tunay na napakahirap, napakatindi ng sakit at hirap ng mga OFW. Hindi ito “specialized work” kundi isang simbolo na ang natitirang paraan upang kumita ng pera ay magtrabaho sa ibang bansa, ang ating bansa na puno ng mga katiwalian ng mga pinuno tulad nila S.M. at ng mga Ayala ay hindi na sapat upang iaangat ang ating pambansang ekonomiya. Ang OFW ang siyang mga “pagasa ng bayan” dahil tunay ngang wala ng pagasa o kung ano mang paraan na iaangat ang ating bansa mula rito. Ang mga OFW ay mga nagtitiis, mga nagbibigay ng kanilang buhay upang isuporta ang pambansang ekonomiya ng Pilipinas.

            Ang pinaka mensahe ng pelikula ay mahalaga, at ito ay kapag nandiyan ayaw mong isipin, ngunit pagnawala ito’y palagi mong iisipin. Ang Pilipinas ay siyang ating bansa, ay siyang nagpabuhay sa atin. Ang pagiging OFW ay napakahirap na bagay dahil hindi lamang ang iyong pamilya ay iyong iiwanan ngunit pati rin ang kultura, ang kasarinlan. Ang mga Pilipino ay lutang parin hangang sa ngayon, hangang sa ibang bansa hindi natin kilala ang ating sarili kaya’t kapag dumating ang mga problema, walang maaring balikan ang mga OFW. Ang mga OFW ay parang itinutulak sa dalawang dulo, ang bumalik sa Pilipinas at magtiis sa hirap, o mag trabaho sa labas ng bansa hindi kasama ang pamilya at titiisin ang kahirapan.


Sunday, August 5, 2012

La Visa Loca : Movie Review



La Visa Loca
Dinerecta ni Mark Meily




    Bagamat katawa-tawa ang napakadaming excena sa pelikulang La Visa Loca na pelikula ni Robin Padillia ay hindi maaring tingan lamang ito sa isang perspektibo at isang napakababaw na mukha. Napakadaming maipupulot na mensahe o bagay na maaring iuwi sa bahay ng mga manonood. Makikita rin natin dito ang napakamahiwagang relasyon ng Estados Unitos at ang Pilipinas na hindi pala ito isang mapayapa at napaka mabuting relasyon subalit, ito ay isang relasyon na nagtataglay ng pagiging mapagkumbaba sa sarili ng mga Pilipino.





 Sa aking opinyon ay isa itong makabuluhang pelikula, ang ultimong mensahe ay ang pagmamahal sa bansa, napakarami mang patawa at kalokohan na nailathala sa kwento ay nagsalamin ito sa lipunan natin noong panahon na iyon, isa sa mga repleksyon na nailathala nito ay ang perspekitbo natin sa mga Amerikano, cano, matangkad, puti, nakamaayos na suot ay naging basehan natin sa isang mayaman at mataas na klase ng tao, ito ay isang perspektibo na siyang taglay parin ng bawat Pilipino maging sa panahon ngayon. Ang isa pang salamin na inalalathala ng kwento sa atin ay ang nationalismo natin o ang pagiging makabansa, talagang nakikita natin ang mahinang paghawak natin sa konsepto ng bansa, hindi natin maintindihan ito bilang isang pagmamahal na siyang tatagal at matigas na pagmamahal para sa bansa, para sa lahi. Sa bahagi ng  nagalit ang Amerikano sa Pilipinas ng sabihin niyang pumunta siya sa pilipinas upang matapunan ng malas ay agad-agad lahat ng nasa paligid niya’y tumahimik, naging pundasyon ito sa pagpili ni Jess, na siyang pangalan ng pangunahing tauhan, na gawin ang lahat kasama na ang pagpako sa krus, sakripsiyo para sa bansa hindi lamang para sa kabutihan ng kinabukasan ng isang indibiduwal, kasama pa dito ang kwento ng nanay ni Jess ay nagdulot ito ng isang linya ng mga ebidensya upang makamit ang mensahe na napakababaw ng mga kalidad ng pagpili ng mga Pilipino kasama na dito ay ang pagalis sa bansa upang makahanap ng panibagong buhay at bagong kinabukasan sa ibang bansa. Di nga ba’y ganito rin ang mga klase ng mga ginagawa ng tao ngayon. Masasama dito ang phenomenon na  “brain drain” ang paghanap buhay ng mga Pilipino sa ibang bansa, ang mga hamon ng kagawaran ng turismo at ang mga pagtingin ng mga dayuhan sa kulturang Pilipino na sa pelikula tingin ng mga dayuhan ay napakababaw at napaka walang asal ng mga Pilipino tulad ng mga kultura at mga paniniwala nito sa kultura; tulad ng mga faith healers.  Isang magandang punto ng kwento ay ang pagtago niya ng mensahe sa relasyon ng tatay at ng anak, hindi nga ba’y ang bansa ay para ring ating ama? Para ring isang ama na lubos nating kinakalimutan, oo nga madami ngang mga kasala at napakasamang kwento ng ating bansa ngunit ang bansa natin ay para siyang ama na walang nagmamahal kahit ang kanyang anak na gusto na pumunta sa ibang ama (sa sitwasyong ito ibang “ama”).
                      Sa huli hindi na pumunta si Jess sa ibang bansa upang tuluyang isuporta at samahan ang kanyang ama, nakikita natin na tulad ng ama may sakit rin ang bansa, nananatiling bingi rin ang ating bansa ngunit dapat ba natin itong pabayaan? Na ang mga dayuhan ay sabihin na lamang ang bansang ito ay walang kagandahang asal, mga magnanakaw mga taong tulad ng mga matsing na walang pinagaralan? Isang bansa puno ng mga hipocrito at mga kasamaan? Isang bansang bingi sa mundo at bingi sa sarili niyang mga kasala at sakit? Noong panahon ng Amerikano sa kasaysayan ng Pilipinas ay lubos pang nasira ang pagiging bansa ng mga Pilipino dahil sa mga pinagagawa ng mga Amerikano sa bansa. Binigyan nila ng isang gobyerno, ng mga pinuno, ng mga produkto at kalayaan ang Pilipinas ngunit ito’y nagdulot ng sakit na siyang nagpalala ng pagkilala ng mga Pilipino sa kanilang sarili at sa kondisyon ng Pilipinas na siyang nag hamon sa mga Pilipino at nagtanong kung ano nga ba talaga ang Pilipinas, ano ang konsepto ng bansa ng isang lahi, ng isang Pilipino. Ngayon ay napakrami ng mga Pilipinong gusto pumunta sa Estados Unitos upang magbago ng kanilang buhay, di nga ba’t noon at ngayon ay walang pinagkaiba? Na taglay ng mga Pilipino ay wala ng mahal sa sariling wika, sariling bansa at hindi na niya kilala kung sino ba talaga siya? 
                      Na ang sinapupunan na kanyang pinagmulan ay kanya ng kinalimutan at ni walang malay. Oo nga tumaas nga ang ekonomiya, ang GDP, ang mga dami ng mga nakakapag trabaho ngunit kilala mo ba ang sarili mo? Isa itong pinagagalingan ng kwento at ng mga paniniwala ng isang tao na dapat hindi mawala sa kanya, ang kasarinlan. Ultimong ihinahatid ng kwento ang mensahe ng pagkikilala sa sarili at ang kalagayan ng bansa sa isang indibidwal na Pilipino. Kwento nga ng isang anak ng hari ay ng mamatay ang kanyang tatay pinadala siya sa isang lugar na puno ng kasamaan, puno ng mga masasamang tao at ginawa nila’y tinuruan ang anak ng hari ng kung ano anong mga kasamaan tulad na ng pagsusugal, pagiinom at paggugusto sa mga babae ay pagkatapos ng matagal na panahon ay sumuko na ang mga masasamang tao na hindi na iinpluwensya ang bata sa kanyang paligid ng itanong siya kung paano daw siya hindi na inpluwensya ng lahat ng kasamaan ay dahil sinabi ng kanyang tatay “ikaw ay magiging isang hari, wag mo ito ikalimutan.” Isa itong kwento ng kasarinlan, kwento ng pagkikilala sa sarili. Ilista mo na ang lahat sa tubig wag lang ang iyong sarili, wag lang ang iyong kasarinlan dahil ito ay isang napakamahal at napakaimportanteng bagay, sa pelikula dadag pa ang kwento ng bata na hindi na niya kilala ang kanyang tatay dahil palit ng palit ng asawa ang kanyang nanay isa pa itong dadag sa mensahe na gusto ipahatid ng pelikula.

          
  Sa aking palagay, isa itong pelikula na dapat panoodin ng bawat isang Pilipino, isa itong kwento na may 10/10, ito ay isang kwentong maganda at napakaayos.  Dapat panoodin ng mga Pilipino maging sa mga karaniwang mamamayan.